Saturday, June 2, 2007

Retainers(h) s(h)ucks(h)!

OK, so kagagaling ko lang sa aking dentista sa Caloocan. Musta naman yun?! I live in the southernmost city of Metro Manila, Muntinlupa City, and I have to go all the way up the region so that I could have my retainers installed. It took me two hours (or so) to get there so that he could fit my retainers for about what, three minutes? I am not saying that I wasted precious time going there because it has its long-term benefits and advantages.

At ngayon? I am suffering from acute speech defect. I am having trouble with s-filled words/phrases/sentences like: Susie Sio (our pharmacology course coordinator) or the rain in Spain stays mainly on the plain (from My Fair Lady’s Eliza Doolittle). More like S(h)us(h)ie S(h)o (Sushi! Pagkain?) or the rain in S(h)pain s(h)tays(h) mainly on the plain.

Luckily, I didn’t experience any similar difficulties when I had my braces. Pero ngayon, wow! I sound terrible. That’ll shut me up for a while. Hehehe…

Torture yun ah lalo na for chatterboxes like me.

Mel was teasing me a while ago. “Sige nga, kuya, sabihin mo S.” Of course, I would not let her deride me like that. I was really conscious of my articulation but all efforts were futile. Essshhh… Hehe.

Like I said, this is all for the best. For the meantime, I would have to deal with the likes of Mel.

Retainers(h) s(h)ucks(h)!

Friday, June 1, 2007

Ang Langgam sa Carpet

Ngayon lang naging klaro ang mga bagay-bagay sa akin. Dalawang taon at dalawang buwan na ang lumipas at ngayon lang nabuo ang mga bahagi ng isang higanteng jigsaw puzzle. Noong mga nakaraang taon, bahagi lamang ng kabuoan ang aking natatanaw. Kumbaga, kung ako ay isang langgam sa ibabaw ng isang carpet, mga hibla at sinulid lang ang aking nakikita. At ngayon? Tanaw ko na ang mga disenyo at burdang binubuo ng mga hibla at sinulid. Mas maganda, mas kahanga-hanga!

Hindi mo ako masisisi kung bakit ganoon katagal ang dapat lumipas, kung bakit kailangang manatili sa katititig sa mga hibla at sinulid kung ang tunay na ganda ay yaong binubuo ng mga ito. Madilim ang aking natatanaw. Natatakpan ng mga alabok ng pagkalito at pighati ang aking rasyonal na pag-iisip. Sa tuwing kinokompronta ako ng mga pangitain noong mga panahong iyon, lagi akong umiiwas. Ayaw ko silang harapin – ang mga taong nanakit sa akin, ang damdaming bumagabag sa akin at ang walang katapusang pagtatanong na animo’y isang multo na hindi matahimik at hindi matapus-tapos sa kanyang pagmumulto.

***

“Wala akong kasalanan! Hindi ako nagkulang! Ako ang biktima rito! Wala kayong puso!”

Masakit sa akin ang mga bagay-bagay noon at hanggang ngayon, kahit naghilom na ang mga sugat, hindi ko pa rin maalis ang aking paningin sa mga naiwang peklat at galos – tanda ng mga sugat na iniwan ng mga sibat at palasong pinakawalan ng aking mga taga-usig. Sila ay malulupit, mapangutya… Naaalala ko pa rin ang kanilang mga hiyawan at kantiyawan habang ako’y nakadapa at nakahalik sa lupa.

Bagaman noong mga panahong iyon, sugatan at nanghihina, hindi ako nagdalawang isip na ipagpatuloy ang laban. Tumayo ako mula sa pagkakasadlak at humarap sa kanila. Naglakad ako patungo sa kanilang kampo at nakipagkamay. Hinandog ko ang aking pang-unawa at umasa na sila ay maaantig sa aking hitsura. Subalit, binigayan lang nila ako ng malamig na tingin, malamig na pakikitungo… Walang pumansin sa akin, maliban sa isa.

Hindi ko alam kung tatanggapin ko ang pagkakaibigang inalay sa akin ng pinuno ng hukbong tumugis sa akin. Hindi ko siya kayang pagkatiwalaan bagama’t natuwa ako sa kabutihang hinandog niya sa akin. Salamat, may handang tumulong at mag-abot ng kanyang palad. Subalit, sa kabila ng magandang pakikitungo, hindi pa rin mapalagay ang aking loob.

Ngayong gabi, napatunayan ko ang kabusilakan ng heneral ng hukbo. Siya ay totoong tao at nakuha niya di lamang ang aking paghanga kundi pati ang aking respeto.

Dalawang taon at dalawang buwan ang lumipas at namatay na ang kilusang tumutugis sa akin. Sa totoo lang, ako ay natatakot pa rin, naghihintay sa mga nagbabadya sa hinaharap, naghahanda sa anumang pagsalakay.

Puno pa rin ako ng takot at pangamba subalit kailanman ay hindi ko pagdududahan ang heneral ng hukbo. Hindi kailanman!

***

Sa ngayon ay natatanaw ko na ang kabuuan ng carpet. Nakikita ko na ang kagandahan mula sa itaas, mga tanawing hindi ko natagpuan noong ako ay nakatuon pa sa mga hibla at sinulid.

***

Maraming salamat sa lakas ng loob upang harapin ang nakaraan. Maraming salamat sa katotohan. Maraming salamat, heneral!

Tuesday, May 29, 2007

Amishoo guys!

I really miss the PI100 guys! Sobra! Hindi ko maikakaila na gusto ko (pa) sila makita.

Kahapon ang party namin. Bukod sa ipinagdiwang namin ang success ng aming class production, birthday din naman ni Sir Mangubat. Two reasons to celebrate.

Anyway, ang weird pero I felt what they call the empty-nest syndrome. Oo! Ito yung kalungkutang nararanasan ng mga magulang (the moms especially) kapag ang kanilang anak ay mag-aasawa na, bubukod na sa kanyang nuclear family at magsisimula na nang kanyang sariling buhay.

Mabilis talaga ako ma-attach sa mga tao. Lalo na kung mahaba-haba ang aming pinagsamahan (more than 1 month yata kami) at ang kanilang mga personalidad ay kaiga-igaya at tunay namang lovable. Naaalala ko noong nanood kami ng high school barkada ko ng concert ng Rivermaya. Sa dalawang oras na panonood namin, talagang na-attach ako sa personality ni Rico Blanco. Ang weird, nuh? Parang gusto ko na siyang ipasok sa bag ko para naman lagi ko na siyang makakasama. O di ba? Para kang may buhay na I-pod na kumpleto sa mga kanta ng Rivermaya. Ganoon din ang naramdaman ko nung kinapanayam naming for Comm III si Dr. Randy Dellosa, resident psychologist ng PBB at uncle nina Ate Tala at Daniel. You have to talk to him, guys! Iba talaga siya. Ang sabi ko nga, “It was a magical experience.” I never felt so light and happy pero nung naka-usap (at na-psych) niya kami, iba ang idinulot nitong kasiyahan sa aking puso (naks!).

I think I saw these people in the eyes of the IMED guys. Hindi lang sila matatalino at masisipag (well, given na talaga yun), mababait din sila at easy to get along. Naiilang nga lang ako sa tuwing tinatawag akong kuya dahil lalo lang natatatak sa akin na nasa twilight years na ako ng aking adolescence/teenage years. Hehe, hindi matanggap…

Sabi ni Ken, what if sa paglipas ng mga buwan at kapag nagkita kayo ay hindi na sila ganun ka-warm? Waaahh… Huwag naman sana. I know (and I hope?) na hindi naman sila yung tipo na hindi marunong lumingon sa pinagsamahan. I can assure that I'd still be the same to them (yung Bisayang driver, jester ng grupo at si good, 'ol KUYA MARK) in spite of the span of time na hindi kami magkikita o magkakaroon ng interaction. Sabi nga ni (hmmm… I don’t remember), malabong maging kaklase namin sila uli. Pero, UP Manila is a small world at hindi talaga imposible na hindi kami, at the very least, magkakitaan.

One thing is for sure. I met the people na hinding-hindi ko malilimutan at magiging malaking bahagi ng aking buhay UP, buhay nurse at hopefully buhay doktor. Till we meet again. Tears…

Labnat No.2

Sigurado ako na kahit isang beses sa buhay niyo ay nabighani na kayo sa isang crush ng bayan. Maaaring siya ang artistang madalas na lumalabas sa TV o ‘di kaya kaklase o batchmate mo sa eskwela. Ako? Kung tatanungin mo ako, guilty ako sa ganyan. I can’t help but admire the crush ng bayan. Eh bakit ba naman hinde? Kaya nga crush ng bayan eh. Hehe… Di ba inclusive na sa title niya ang kanyang katangian/reputation. Kaya siya ang kinahuhumalingan ng marami dahil siguro sa kanyang kakaibang katangian o di kaya ang kanyang seemingly perfect set of qualities.

Good looks + intelligence + talents + personality/character + (usually mayaman sila) = CRUSH NG BAYAN

Yan ang magic formula/equation ng pagiging isang crush ng bayan. Kung ang lahat o majority sa mga katangiang ‘yan ay nasa ‘yo, malamang ikaw na nga ang tinutukoy ko.

Ano bang point ko sa pagsusulat ng entry na ito? Naiinis lang kasi ako sa ugali ng ibang mga crush ng bayan. Bakit? They have this I-know-you-like me attitude na ine-exude sa mga pinaghihinalaan nilang may pagnanais sa kanya.

Kagabi, I discussed this issue with Ken (my college buddy). Makatarungan ba na ang isang tao, in this case ang crush ng bayan, na mag-assume na ang isang tao ay may gusto sa kanya. Injustice yun, ha!

Sabi ni Ken, kung ikaw ba naman ay nagpapadala ng mga nonverbal cues (gaya ng meaningful glances at indiscriminate smiling) o mga pahiwatig na may gusto ka nga, eh di may karapatan siyang maghinala. Oo nga, nandyan na ako… Pero ang mga nonverbal cues ay hindi sapat lalo na kung wala namang verbal cues, di ba?

Ang kapal naman niya kung mag-iisip sya ng ganun. Ang kapal talaga! So pakiramdam mo, the ultimate ka na dahil lang nasa iyo ang mga qualities mentioned above.

Para sa akin, nabibiktima ‘yung taong napaghihinalaan at nasasawsaw siya sa mainit na tubig, kahit totoo man (o hinde) ang hinala ni crush ng bayan. By sending the I-know-you-like-me signals, nagiging awkward ang sitwasyon at pakikitungo niyo sa isa’t isa, nai-invade ang inner you at higit sa lahat nagiging makapal ang mukha at nagha-hydrocephalus ang sender of signals.

Ang masaklap pa dito kung simultaneous ang pagpapadala ng I-know-you-like-me signals sa wala-ka-namang-pag-asa-sa-akin signals. O di ba? Grabe na to… Hindi niyo talaga kakayanin, mga friends, ang ganung klaseng attitude. Mas gugustuhin mo ng matunaw na lang sa kinatatayuan mo kaysa malagay sa ganitong sitwasyon. Ang sa akin lang, why won’t you just let the person admire/adore you without making him/her uncomfortable and insulted. Di ba? (Halata naman na may kinikilingan na ako at hindi na ako objective dito)

Lesson: Para sa mga admirers, bawasan ang indiscriminate smiling at meaningful glances. Once in a while matuto ka namang magsuplado/suplada at mang-isnab ng crush (in this case, si crush ng bayan). Ipakita mo na wala siyang karapatang mag-feeling. Para naman sa mga crush ng bayan, don’t do that again! Please lang. Hindi talaga maganda ang pakiramdam na parang nai-invade ka at pinagmumukha kang poor soul. If you have to let those admirers feel na wala silang pag-asa, do it in a subtle way (yung hindi masyado nakaka-hurt). Irespeto nyo na lang ang kanilang feelings. Come to think of it, ang crush o paghanga ay kumukupas din (Oo, kukupas din dahil sa constant sending of I-know-you-like-me signals). O mas maganda, give them a chance, kilalanin nyo sila and transcend what is superficial, malay niyo ehem… Siya na pala yun.

At any rate, hindi na talaga mawawala sa mundong ito ang mga ganitong ugali, lalo na ang mga ganitong tao. Patuloy ang pakikibaka ng mga admirers at ang kakapalan ng mga crush ng bayan. When worse comes to worst, nandyan naman ang mga bukas na man-hole sa Pedro Gil at any time pwede mo naman sila ihulog dun. Hehe…

Tuesday, March 27, 2007

Labnat No.1

Unconditional love? Kalokohan!

Yan ang sinabi ko sa kaibigan kong si (itago na lang natin siya sa pangalang chuva) nang i-share niya sa akin ang pagmamahal niya sa isang tao na wala namang damdamin para sa kanya. Sobra pa ang panlalait ko sa kanya nun. “Ang pathetic mo naman. Kawawa ka lang sa sitwasyon na yan,” sabi ko sa kanya.

Sino ba naman ang magtitiyaga sa idea ng unconditional love? Bakit mo kailangang i-invest ang damdamin (oras, pagod, at sige isama na natin ang kaluluwa) mo sa isang tao na wala namang nararamdaman para sa yo (o di kaya friend lang o isang acquaintance ang turing sa yo)? Poor unfortunate soul! Lugi ka sa arrangement na ito. Napaka-unilateral. Ikaw lang ang give-ng-give, wala ka namang natatanggap in return. UNTIL…

Bumalik sa akin ang mga panlalait ko. O di ba, talk about karma. Yung idea na sobrang sina-shun ko ay buong puso (para may drama, isama ang isip at kaluluwa) kong niyayakap. Mukhang ako ang napunta sa sitwasyon niya habang siya ngayon ay naka-get-over na sa kanyang dating kinasadlakan. Siya ngayon ay nakaka-cope-up na at ako ang, well, nahulog sa pit of despair.

Ngayon, mas nauunawaan ko na siya.

Pa minsan kasi, mas magandang umasa (kahit sa wala) kaysa wala kang panghawakan.

Mas magandang gumising ka isang umaga at sasabihin mong, “Yehey, makikita ko na naman si (para corny, itago na lang natin siya sa pangalang, KA LIMOT) kaysa gumising ka na ang iniisip ay: waaahh, leche, may duty na naman! O di ba?

At habang naglalakad ka papuntang AS, thinking about how miserable your day was, makikita mo siya at mapapawi na ang lahat ng pasakit sa iyong puso. Mangingiti ka na lang at mapapabuntong hininga.

Tapos, kapag sobrang nale-lechehan ka na sa takbo ng mga pangyayari, tititigan mo lang ang kanyang mapupungay na mga mata (shining, shimmering and glimmering) at cute na mga ngiti (as in!!!) at OK na. (yuck! ang mushy na, nuh?) Anyway, totoo naman.

Balik tayo dun sa nauna kong sinabi, mas magandang umasa (kahit sa wala) kaysa hayaang mawalan ng pag-asa ang iyong buhay.

Mas magandang mangarap kaysa hayaang takpan ng ulap ng kalungkutan ang iyong pagaasam.

Mas magandang may panghawakan (kahit ilusyon lang), kaysa mabuhay sa kalungkutan.

Tinanong ko ang sarili ko, “Why not look for another? Yung kaya akong suklian at tanggapin. Hmmm… Hindi ko pa rin alam ang sagot. Actually, 4 months ko ng hinahanap ang solusyon.”

Monday, March 26, 2007

Wow lalim!

Sige, magpapakalalim muna ako, lagi na lang kasi akong joke time. Pero, ewan ko ba. Sa mga oras na sinusulat ko ‘to, hindi ko maitago ang aking kalungkutan. Oo, nalulungkot ako.

5 hours ago, nag-miting kami sa aming headquarters at wala kaming ginawa kundi tumawa at magpatawa. Nang magkahiwa-hiwalay na kami, ayan na! I felt the feeling. Bakit?

Sa tuwing nakaka-accomplish ako ng mga bagay, pakiramdam ko lagi na lang may kulang. Binibigay ko naman ang lahat pero laging kapos, laging bitin at lagi na lang ako hindi makuntento. Let me illustrate this idea.

Pag may na-accomplish ka, its either you get satisfied or frustrated with the results. At, oo, ganun naman akong tao. However, lagi itong may karugtong na, “Kulang pa! Kulang pa!” Kapag nagustuhan mo ang resulta, naghahanap ka nang mas maganda, mas kahanga-hanga at mas hmmmm, monumental? Kapag hindi mo naman nagustuhan ang outcome, sasabihin mo sa sarili mo, “Bakit kasi hindi ko ginawa ang super-mega-best ko…” Ang weird, nuh?

Sabi nga nila ang tao, kahit kailan, walang kabusugan. Kapag kapos, naghahangad ng marami. Kapag masagana, naghahanap pa ng mas marami. Kapag nasa yo na ang lahat, naghahanap pa ng mga bagay na wala. Ang gluttonous, di ba?

Pa minsan, iniisip ko, baka magalit na si Papa God sa akin. Baka sabihin nya, “Batang reklamador, tumingin ka sa paligid mo at pagmasdan na habang humihiling ka pa ng mas marami, may mga taong talagang walang-wala." Di ba nakakakonsensya? Baka isang araw, bawiin lahat ni Papa God at mag-dialogue na, “O sige, para naman magsawa ka sa kahihingi, kukunin ko na lang ang lahat ng meron ka nang sa gayon ay hindi na matapos ang iyong pangungulit.” Scary di ba?

Anyway, anong gusto kong sabihin? Matuto tayong magpasalamat sa mga biyayang natatanggap natin sa araw-araw. Pahalagahan natin ang bawat grasyang natatamasa natin, mula sa hangin na nalalanghap natin hanggang sa mga malalaking bagay. Minsan kasi, hindi na natin naaalala na kaya tayo nabubuhay sa mundong ito ay dahil sa pahintulot at kaloob ni Papa God. Get real! Totoo naman, di ba? We get so preoccupied with what we need/want that we forget about what we already have.

Haaayy buhay!

Saturday, January 13, 2007

just to convince myself

ewan ko ba kung bakit nandito na naman ako, kinakausap at chinuchurva kayo about nothingness. siguro dahil gusto ko lang kumbinsihin ang sarili ko na hindi magtatapos sa entry 1 of 1 ang blog na ito OR wala lang talaga ako magawa habang hinihintay ang feb 11 (first duty day. i'm sure nagngingitngit ngayon ang mga duty-ful dahil ako ay duty-free).

anyway, gusto ko lang ikwento ang mga naganap sa aking buhay from tuesday hanggang kahapon. hehe.. hindi ko naman ikukwento lahat at baka ma-bore lang kayo. so here it goes.

tuesday. Wooooohhh.... o di ba?! umaga pa lang, sinalubong na ako ng x-kilometer long na traffic sa quezon blvd. (eto ang kalsada papuntang taft na dumadaan sa quiapo). kung nandun lang kayo (di ba coy?). ang daming taong naka-color maroon! o di ba?! fighting maroons to! karamihan sa kanila (if not all) ay nakayapak at nilalakad ang kahabaan ng madumi at magaspang na aspalto. gusto ko na sila actually murahin for causing delay. 8 am ang pasok ko at 7:55 na nung mga oras na iyon. yun nga lang, on the verge of cursing, naalala ko na exam ko pala bukas sa pharma. ay shet! hindi pwede to...

baka karmahin ako at biglang maisipan ng nazareno at gawing kalbaryo ang exam bukas.

ayun. nakarating din ako ng up. technically late dahil 8:20 na nun pero dahil wala pa si mam pagsibigan, i'm early (silent r parang robidillo phonetics).

kinahapunan, inisip ko talaga kung maga-attend pa ako ng nat sci. conflict ba yun? syempre hindi na nuh! hindi ako nag-attend so that i can prepare for tomorrow's exam. pero sinabi ko kay mam koh (nat sci prof namin) na nagpunta ako ng quiapo at nakihila ng lubid ng nazareno.

sobrang clueless ni mam. parang wala syang alam na nagprusisyon nga nung tuesday (na-lost siguro siya sa epicycle-deferent ng jupiter).

***

wednesday. woohoo! n5 exam na... eto ang dahilan kung bakit nasira ko ang resolution ko for this sem. sabi ko pa naman, hindi na ako maga-absent sa kahit anung subject dahil may kailangan akong gawin para sa isa pang subject. medyo na-depress ako. (SAD) pero yun nga hindi ko naman pwedeng i-equate ang chuvang nat sci sa 70% passing rate ng n5. pagdating ko sa tambayan, nakita ko si ate roma. nalugmok ang bruha! two hours lang daw ang tulog nya at pagod pa siya from NAIA (c.i. nya nga pala si mam maglaya). review kami... review... review...

3:30 na! time to parteee (sarcastic)! PERO, nang makita ko ang exam... hmm, looks family!

kaso yun nga, nagbabantay/nagpapatrol si sosio. baka mamaya maakusahan ako ng kung anong extra-curricular activities ang ginagawa ko. speaking of her, ang praning nya! kung nandun pa kayo nung mga latter part ng exam, sobrang maya't maya ang parinig nya as if may nahuli talaga syang nandadaya sa exam. "you will face appropriate sanctions eklavoo... hindi tama ang ginagawa nyo chenelyn..."

balik tayo sa family exam. kung napag-aralan nyong mabuti ang "REVIEWER" masasambit nyo ang mga salitang.... ah basta alam nyo na yun. baka mamaya maging ebidensya pa ang blog article na ito kung ilalantad ko ang lahat, da bah?

habang sinusulat ko ang blog na ito, bigla kong naisip ang inner-MARK ko. kung nakapanood na kayo ng kahit anong safeguard commercial (hindi naman nagbabago ang concept nitong ad na to), may biglang lumilitaw na "konsensya" tapos sasabihin nya: ang kailangan ng pamilya mo superior skin germ protection... ayun, sabi ni inner-MARK (may schizo talaga ako), baka mamaya sa kakasabi kong family ang exam mabokya pala ako. ahehehe... wag naman sana.

thursday. nanood kami nina sam at kat ng rob-b-hood. naka-dub lang ang movie na ito from its original mandarin version. kung kayo ay naghahanap ng action at comedy (dahil isa nga itong jackie chan movie), ito ang dapat nyong panoorin. may mushy part din dito, katulad ng naranasang separation anxiety ng baby kina thongs (jackie chan. thongs? parang yung underwear) at octopus (yung sidekick nya). anyway, pampamilya ang pelikulang ito except for words like s*hit and a**hole na madalas na ginagamit bilang pronoun sa mga anonymous characters ng pelikula at sentence-enhancer (this term was coined by sponegbob squarepants).

surprisingly, mahaba pa rin ang pila sa enteng kabisote 3 at kasal, kasali, kasalo. ay! eto ang chika (source: TVP world), as of jan 6 (ang opisyal na pagtatapos ng mmff), naungusan na ng kkk ang ek sa box office returns! o di ba! kung nagkataon ay iba ang naging resulta ng awards night. sabi sa balita, 150+ million ang kinita ng movie nina juday at ryan habang 130+ million naman ang sa ikatlong installment ng enteng.

friday. guess what kung ano ang lunch ko? dalawang mangkok ng jollibee creamy macaroni soup at isang baso ng regular coke. ok. its not what you're thinking. hindi ako nagda-diet ha. kakahigpit lang kasi ng braces ko (yung ibaba hindi pa natatanggal), kaya ayun hindi na naman ako makakain ng maayos. nga pala, sa mga gustong magpapayat magpakabit kayo ng braces (promise), i assure you bababa ang timbang nyo! i lost 5 lbs in one week. tapos mga 2-3 weeks ang recovery period. so kung sasagarin nyo ang upper limit, 15 lbs lahat!


FIN

premier post

o ayan! sa wakas, may blog na rin ako. actually, matagal ko nang pinag-iisipan kung gagawa ba talaga ako o hinde. obvious naman siguro kung alin sa dalawang panig ang nanaig (or else wala ako ngayon dito, nuh!)

sa totoo lang, hindi ko talaga gusto ang idea ng blogs. bakit? simple lang, isa nga siyang journal, diary kumbaga. (magbigay ba ng shift+f7 ng wala sa lugar) at dahil diary ang blog, marapat lamang na itago mo ito sa pinakasuluk-sulok ng iyong kwarto. di ba? naaalala ko tuloy. (flashback sound effect with matching blur pa)

2000. sinimulan kong isulat ang first-ever diary ko. sinabi ko sa sarili ko (schizo?), araw-araw magsusulat ako rito. isusulat ko rito ang feelings ko para ma-preserve ko ang mga ito. (assuming na maging sikat ako someday, magiging parang diary of anne frank ito. o di ba?! note: hula nga pala sa akin ni nico na sisikat ako in the future. hehehe...)

guess what mga friends kung ano ang nangyari sa diary na sinumulan kong isulat sa unang taon ng bagong milenyo. (drum roll please)

WALA!

oo, yung january 1 entry lang ang nasulat ko at hindi ko na ito nasundan (so much for the effort). so nasayang ang notebook turned diary, nasayang ang effort at nasayang ang ideas ko.

yun din ang isa sa mga apprehensions ko sa pagkakaroon ng blog, baka hindi ko na matuloy. pero just in case ito na ang last entry ko, nais ko munang pasalamatan si God, ang parents ko.... ahehehe... joke lang. malakas naman ang feeling ko na maipagpapatuloy ko ang blog na ito at hindi mage-end sa entry number 1 of 1 lang. bakit? una, wala pa naman akong duty. feb 11 pa ang simula ko sa surgery ward. kaya ayun, habang hindi pa ako toxic ay gagawa ako ng blog, to kill time. pasensya na sa mga may duty. i know how you feel (asus). ahehehe... pangalawa, dahil madalas naman ay computer ang kaharap ko (bukod kay mycek), hindi ko naman (siguro) makakaligtaan na kahit minsan ay pansinin ang http://markusxopherus.blogspot.com. pangatlo, dahil mahilig ako mag-textblog (ang textblog ay isang invention ni iaii na kung saan ang isang taong unli ay nangungulit sa pamamagitan ng pagse-send ng mga kachuvahan about one's life. example: ang agar/apgar score ng new year baby na pinanganak sa fabella. *sorry na lang sa mga non-globe at hindi kayo nakatanggap.* ay! ang haba ng sidenotes!). ayun, basically, ang pagse-send ng txtblog ay mahal/nangangailangan ng load kaya mas abot kaya ang ganitong uri ng pangungulit (though hindi kasing laki ang coverage ng blog kumpara sa txtblog).

balik tayo dun sa privacy issue ng diary. noong grade six ako (wow ang tagal na nito!), hindi ko sinasadya (i swear) na makita (at mabasa consequently) ang diary ng kapatid ko.

o sige, dahil lumang balita na naman ito ay ise-share ko na rin sa inyo ang laman ng diary nya. nakalagay doon ang damdamin nya tungkol sa kanyang crush at nakasulat din doon in bold letters (with red hearts all over) ang pangalan ng kanyang churva! incidentally, kilala ko ang taong ito. busmate namin sya! kaya syempre, ahehehe, bilang isang oportunistang kuya ay inasar ko sya (with all my might) sa kanyang crush.

matagal na itong conflict na ito, like i said, kaya nagkapatawaran na kami about the matter.

the thing is alam kong diary ko nga ito. PUBLIC DIARY. AT wala naman akong balak na i-broadcast dito ang dark secrets ko na magiging susi sa aking tuluyang pagbagsak at pagkapariwara ng career ko sa mundong ito. hehehe...

pero syempre to keep you hooked sa tinig (pangalan ng blog ko yan) ay sisiguraduhin kong mawiwili kayo sa mga ipo-post ko dito. i will make sure na kayo ang unang makakaalam ng mga misadventures ko at makakasagap din kayo ng mga nagbabagang chika at blinditem. ahehehe....

so ano, basa lang ha. at mark, sulat ka lang ha! (hindi to ang last time. swear!)