5 hours ago, nag-miting kami sa aming headquarters at wala kaming ginawa kundi tumawa at magpatawa. Nang magkahiwa-hiwalay na kami, ayan na! I felt the feeling. Bakit?
Sa tuwing nakaka-accomplish ako ng mga bagay, pakiramdam ko lagi na lang may kulang. Binibigay ko naman ang lahat pero laging kapos, laging bitin at lagi na lang ako hindi makuntento. Let me illustrate this idea.
Pag may na-accomplish ka, its either you get satisfied or frustrated with the results. At, oo, ganun naman akong tao. However, lagi itong may karugtong na, “Kulang pa! Kulang pa!” Kapag nagustuhan mo ang resulta, naghahanap ka nang mas maganda, mas kahanga-hanga at mas hmmmm, monumental? Kapag hindi mo naman nagustuhan ang outcome, sasabihin mo sa sarili mo, “Bakit kasi hindi ko ginawa ang super-mega-best ko…”
Sabi nga nila ang tao, kahit kailan, walang kabusugan. Kapag kapos, naghahangad ng marami. Kapag masagana, naghahanap pa ng mas marami. Kapag nasa yo na ang lahat, naghahanap pa ng mga bagay na wala. Ang gluttonous, di ba?
Pa minsan, iniisip ko, baka magalit na si Papa God sa akin. Baka sabihin nya, “Batang reklamador, tumingin ka sa paligid mo at pagmasdan na habang humihiling ka pa ng mas marami, may mga taong talagang walang-wala." Di ba nakakakonsensya? Baka isang araw, bawiin lahat ni Papa God at mag-dialogue na, “O sige, para naman magsawa ka sa kahihingi, kukunin ko na lang ang lahat ng meron ka nang sa gayon ay hindi na matapos ang iyong pangungulit.” Scary di ba?
Anyway, anong gusto kong sabihin? Matuto tayong magpasalamat sa mga biyayang natatanggap natin sa araw-araw. Pahalagahan natin ang bawat grasyang natatamasa natin, mula sa hangin na nalalanghap natin hanggang sa mga malalaking bagay. Minsan kasi, hindi na natin naaalala na kaya tayo nabubuhay sa mundong ito ay dahil sa pahintulot at kaloob ni Papa God.
Haaayy buhay!
No comments:
Post a Comment