Unconditional love? Kalokohan!
Yan ang sinabi ko sa kaibigan kong si (itago na lang natin siya sa pangalang chuva) nang i-share niya sa akin ang pagmamahal niya sa isang tao na wala namang damdamin para sa kanya. Sobra pa ang panlalait ko sa kanya nun. “Ang pathetic mo naman. Kawawa ka lang sa sitwasyon na yan,” sabi ko sa kanya.
Sino ba naman ang magtitiyaga sa idea ng unconditional love? Bakit mo kailangang i-invest ang damdamin (oras, pagod, at sige isama na natin ang kaluluwa) mo sa isang tao na wala namang nararamdaman para sa yo (o di kaya friend lang o isang acquaintance ang turing sa yo)? Poor unfortunate soul! Lugi ka sa arrangement na ito. Napaka-unilateral. Ikaw lang ang give-ng-give, wala ka namang natatanggap in return. UNTIL…
Bumalik sa akin ang mga panlalait ko. O di ba, talk about karma. Yung idea na sobrang sina-shun ko ay buong puso (para may drama, isama ang isip at kaluluwa) kong niyayakap. Mukhang ako ang napunta sa sitwasyon niya habang siya ngayon ay naka-get-over na sa kanyang dating kinasadlakan. Siya ngayon ay nakaka-cope-up na at ako ang, well, nahulog sa pit of despair.
Ngayon, mas nauunawaan ko na siya.
Pa minsan kasi, mas magandang umasa (kahit sa wala) kaysa wala kang panghawakan.
Mas magandang gumising ka isang umaga at sasabihin mong, “Yehey, makikita ko na naman si (para corny, itago na lang natin siya sa pangalang, KA LIMOT) kaysa gumising ka na ang iniisip ay: waaahh, leche, may duty na naman! O di ba?
At habang naglalakad ka papuntang AS, thinking about how miserable your day was, makikita mo siya at mapapawi na ang lahat ng pasakit sa iyong puso. Mangingiti ka na lang at mapapabuntong hininga.
Tapos, kapag sobrang nale-lechehan ka na sa takbo ng mga pangyayari, tititigan mo lang ang kanyang mapupungay na mga mata (shining, shimmering and glimmering) at cute na mga ngiti (as in!!!) at OK na. (yuck! ang mushy na, nuh?) Anyway, totoo naman.
Balik tayo dun sa nauna kong sinabi, mas magandang umasa (kahit sa wala) kaysa hayaang mawalan ng pag-asa ang iyong buhay.
Mas magandang mangarap kaysa hayaang takpan ng ulap ng kalungkutan ang iyong pagaasam.
Mas magandang may panghawakan (kahit ilusyon lang), kaysa mabuhay sa kalungkutan.
Tinanong ko ang sarili ko, “Why not look for another? Yung kaya akong suklian at tanggapin. Hmmm… Hindi ko pa rin alam ang sagot. Actually, 4 months ko ng hinahanap ang solusyon.”
Tuesday, March 27, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment