Sigurado ako na kahit isang beses sa buhay niyo ay nabighani na kayo sa isang crush ng bayan. Maaaring siya ang artistang madalas na lumalabas sa TV o ‘di kaya kaklase o batchmate mo sa eskwela. Ako? Kung tatanungin mo ako, guilty ako sa ganyan. I can’t help but admire the crush ng bayan. Eh bakit ba naman hinde? Kaya nga crush ng bayan eh. Hehe… Di ba inclusive na sa title niya ang kanyang katangian/reputation. Kaya siya ang kinahuhumalingan ng marami dahil siguro sa kanyang kakaibang katangian o di kaya ang kanyang seemingly perfect set of qualities.
Good looks + intelligence + talents + personality/character + (usually mayaman sila) = CRUSH NG BAYAN
Yan ang magic formula/equation ng pagiging isang crush ng bayan. Kung ang lahat o majority sa mga katangiang ‘yan ay nasa ‘yo, malamang ikaw na nga ang tinutukoy ko.
Ano bang point ko sa pagsusulat ng entry na ito? Naiinis lang kasi ako sa ugali ng ibang mga crush ng bayan. Bakit? They have this I-know-you-like me attitude na ine-exude sa mga pinaghihinalaan nilang may pagnanais sa kanya.
Kagabi, I discussed this issue with Ken (my college buddy). Makatarungan ba na ang isang tao, in this case ang crush ng bayan, na mag-assume na ang isang tao ay may gusto sa kanya. Injustice yun, ha!
Sabi ni Ken, kung ikaw ba naman ay nagpapadala ng mga nonverbal cues (gaya ng meaningful glances at indiscriminate smiling) o mga pahiwatig na may gusto ka nga, eh di may karapatan siyang maghinala. Oo nga, nandyan na ako… Pero ang mga nonverbal cues ay hindi sapat lalo na kung wala namang verbal cues, di ba?
Ang kapal naman niya kung mag-iisip sya ng ganun. Ang kapal talaga! So pakiramdam mo, the ultimate ka na dahil lang nasa iyo ang mga qualities mentioned above.
Para sa akin, nabibiktima ‘yung taong napaghihinalaan at nasasawsaw siya sa mainit na tubig, kahit totoo man (o hinde) ang hinala ni crush ng bayan. By sending the I-know-you-like-me signals, nagiging awkward ang sitwasyon at pakikitungo niyo sa isa’t isa, nai-invade ang inner you at higit sa lahat nagiging makapal ang mukha at nagha-hydrocephalus ang sender of signals.
Ang masaklap pa dito kung simultaneous ang pagpapadala ng I-know-you-like-me signals sa wala-ka-namang-pag-asa-sa-akin signals. O di ba? Grabe na to… Hindi niyo talaga kakayanin, mga friends, ang ganung klaseng attitude. Mas gugustuhin mo ng matunaw na lang sa kinatatayuan mo kaysa malagay sa ganitong sitwasyon. Ang sa akin lang, why won’t you just let the person admire/adore you without making him/her uncomfortable and insulted. Di ba? (Halata naman na may kinikilingan na ako at hindi na ako objective dito)
Lesson: Para sa mga admirers, bawasan ang indiscriminate smiling at meaningful glances. Once in a while matuto ka namang magsuplado/suplada at mang-isnab ng crush (in this case, si crush ng bayan). Ipakita mo na wala siyang karapatang mag-feeling. Para naman sa mga crush ng bayan, don’t do that again! Please lang. Hindi talaga maganda ang pakiramdam na parang nai-invade ka at pinagmumukha kang poor soul. If you have to let those admirers feel na wala silang pag-asa, do it in a subtle way (yung hindi masyado nakaka-hurt). Irespeto nyo na lang ang kanilang feelings. Come to think of it, ang crush o paghanga ay kumukupas din (Oo, kukupas din dahil sa constant sending of I-know-you-like-me signals). O mas maganda, give them a chance, kilalanin nyo sila and transcend what is superficial, malay niyo ehem… Siya na pala yun.
At any rate, hindi na talaga mawawala sa mundong ito ang mga ganitong ugali, lalo na ang mga ganitong tao. Patuloy ang pakikibaka ng mga admirers at ang kakapalan ng mga crush ng bayan. When worse comes to worst, nandyan naman ang mga bukas na man-hole sa Pedro Gil at any time pwede mo naman sila ihulog dun. Hehe…
Tuesday, May 29, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment