Tuesday, March 27, 2007

Labnat No.1

Unconditional love? Kalokohan!

Yan ang sinabi ko sa kaibigan kong si (itago na lang natin siya sa pangalang chuva) nang i-share niya sa akin ang pagmamahal niya sa isang tao na wala namang damdamin para sa kanya. Sobra pa ang panlalait ko sa kanya nun. “Ang pathetic mo naman. Kawawa ka lang sa sitwasyon na yan,” sabi ko sa kanya.

Sino ba naman ang magtitiyaga sa idea ng unconditional love? Bakit mo kailangang i-invest ang damdamin (oras, pagod, at sige isama na natin ang kaluluwa) mo sa isang tao na wala namang nararamdaman para sa yo (o di kaya friend lang o isang acquaintance ang turing sa yo)? Poor unfortunate soul! Lugi ka sa arrangement na ito. Napaka-unilateral. Ikaw lang ang give-ng-give, wala ka namang natatanggap in return. UNTIL…

Bumalik sa akin ang mga panlalait ko. O di ba, talk about karma. Yung idea na sobrang sina-shun ko ay buong puso (para may drama, isama ang isip at kaluluwa) kong niyayakap. Mukhang ako ang napunta sa sitwasyon niya habang siya ngayon ay naka-get-over na sa kanyang dating kinasadlakan. Siya ngayon ay nakaka-cope-up na at ako ang, well, nahulog sa pit of despair.

Ngayon, mas nauunawaan ko na siya.

Pa minsan kasi, mas magandang umasa (kahit sa wala) kaysa wala kang panghawakan.

Mas magandang gumising ka isang umaga at sasabihin mong, “Yehey, makikita ko na naman si (para corny, itago na lang natin siya sa pangalang, KA LIMOT) kaysa gumising ka na ang iniisip ay: waaahh, leche, may duty na naman! O di ba?

At habang naglalakad ka papuntang AS, thinking about how miserable your day was, makikita mo siya at mapapawi na ang lahat ng pasakit sa iyong puso. Mangingiti ka na lang at mapapabuntong hininga.

Tapos, kapag sobrang nale-lechehan ka na sa takbo ng mga pangyayari, tititigan mo lang ang kanyang mapupungay na mga mata (shining, shimmering and glimmering) at cute na mga ngiti (as in!!!) at OK na. (yuck! ang mushy na, nuh?) Anyway, totoo naman.

Balik tayo dun sa nauna kong sinabi, mas magandang umasa (kahit sa wala) kaysa hayaang mawalan ng pag-asa ang iyong buhay.

Mas magandang mangarap kaysa hayaang takpan ng ulap ng kalungkutan ang iyong pagaasam.

Mas magandang may panghawakan (kahit ilusyon lang), kaysa mabuhay sa kalungkutan.

Tinanong ko ang sarili ko, “Why not look for another? Yung kaya akong suklian at tanggapin. Hmmm… Hindi ko pa rin alam ang sagot. Actually, 4 months ko ng hinahanap ang solusyon.”

Monday, March 26, 2007

Wow lalim!

Sige, magpapakalalim muna ako, lagi na lang kasi akong joke time. Pero, ewan ko ba. Sa mga oras na sinusulat ko ‘to, hindi ko maitago ang aking kalungkutan. Oo, nalulungkot ako.

5 hours ago, nag-miting kami sa aming headquarters at wala kaming ginawa kundi tumawa at magpatawa. Nang magkahiwa-hiwalay na kami, ayan na! I felt the feeling. Bakit?

Sa tuwing nakaka-accomplish ako ng mga bagay, pakiramdam ko lagi na lang may kulang. Binibigay ko naman ang lahat pero laging kapos, laging bitin at lagi na lang ako hindi makuntento. Let me illustrate this idea.

Pag may na-accomplish ka, its either you get satisfied or frustrated with the results. At, oo, ganun naman akong tao. However, lagi itong may karugtong na, “Kulang pa! Kulang pa!” Kapag nagustuhan mo ang resulta, naghahanap ka nang mas maganda, mas kahanga-hanga at mas hmmmm, monumental? Kapag hindi mo naman nagustuhan ang outcome, sasabihin mo sa sarili mo, “Bakit kasi hindi ko ginawa ang super-mega-best ko…” Ang weird, nuh?

Sabi nga nila ang tao, kahit kailan, walang kabusugan. Kapag kapos, naghahangad ng marami. Kapag masagana, naghahanap pa ng mas marami. Kapag nasa yo na ang lahat, naghahanap pa ng mga bagay na wala. Ang gluttonous, di ba?

Pa minsan, iniisip ko, baka magalit na si Papa God sa akin. Baka sabihin nya, “Batang reklamador, tumingin ka sa paligid mo at pagmasdan na habang humihiling ka pa ng mas marami, may mga taong talagang walang-wala." Di ba nakakakonsensya? Baka isang araw, bawiin lahat ni Papa God at mag-dialogue na, “O sige, para naman magsawa ka sa kahihingi, kukunin ko na lang ang lahat ng meron ka nang sa gayon ay hindi na matapos ang iyong pangungulit.” Scary di ba?

Anyway, anong gusto kong sabihin? Matuto tayong magpasalamat sa mga biyayang natatanggap natin sa araw-araw. Pahalagahan natin ang bawat grasyang natatamasa natin, mula sa hangin na nalalanghap natin hanggang sa mga malalaking bagay. Minsan kasi, hindi na natin naaalala na kaya tayo nabubuhay sa mundong ito ay dahil sa pahintulot at kaloob ni Papa God. Get real! Totoo naman, di ba? We get so preoccupied with what we need/want that we forget about what we already have.

Haaayy buhay!